top of page

Pagsumite ng position papers hinggil sa anim na BARMM districting bills, pinalawig pa ng Bangsamoro Parliament hanggang ika-9 ng Enero 2026

  • Diane Hora
  • 36 minutes ago
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Upang mabigyan ng sapat na panahon ang mga sektor, institusyon, at indibidwal na makapaglahad ng kanilang mga pananaw at rekomendasyon, pinalawig pa ng Bangsamoro Parliament hanggang ika-9 ng Enero 2026 ang deadline ng pagsumite ng position papers hinggil sa

mga sumusunod na panukalang batas:


• BTA Parliament Bill No. 47 o ang Bangsamoro Education Reorganization Act of 2022


• BTA Parliament Bill No. 48 o ang Bangsamoro Environment and Energy Act of 2022


• BTA Parliament Bill No. 102 o ang Bangsamoro Agriculture, Fisheries, and Agrarian Reform Act of 2022


• BTA Parliament Bill No. 387 o ang 2025 Act Institutionalizing the Administrative and Finance Divisions and Granting Fiscal Autonomy to OSC, BICTO, BIO, and BDI


• BTA Parliament Bill No. 396, ang panukalang batas na nag-aalis ng “None of the Above” (NOTA) option sa opisyal na balota sa Bangsamoro Autonomous Region, bilang pag-amyenda sa Bangsamoro Autonomy Act No. 35 o Bangsamoro Electoral Code of 2023


• BTA Parliament Bill No. 419, ang panukalang batas na nag-aamyenda rin sa Bangsamoro Autonomy Act No. 35, ang Bangsamoro Electoral Code


Ipinabatid na ang lahat ng position papers ay dapat isumite sa Parliamentary Committees Support Service (PCSS) sa pamamagitan ng email:



Hinihikayat ng Bangsamoro Parliament ang aktibong pakikilahok ng akademya, civil society organizations, sektor ng agrikultura at enerhiya, edukasyon, at iba pang stakeholder upang mas mapayaman ang mga panukalang batas na inaasahang magtatakda ng mahahalagang reporma sa edukasyon, kapaligiran at enerhiya, agrikultura, pamamahala, at sistemang elektoral ng Bangsamoro.


Ang pagsusumite ng position papers ay bahagi ng pagsusulong ng inklusibo at konsultatibong proseso ng paggawa ng batas sa rehiyon.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page