iMINDSPH
Magtatatag ng Multiple Municipalities Coconut Industry Tripartite Council. Ito ang nilalayon ng pulong sa pagitan ng Ministry of Labor and Employment at International Labour Organization kasama ang iba’t ibang ministries, offices, at agencies ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Nagpulong ang MOLE BARMM at International Labour Organization kasama ang ang iba’t ibang ministries, offices, at agencies ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) a-12 ng Setyembre sa Cotabato City.
Tinalakay sa pulong ang pagtatatag ng Municipalities Coconut Industry Tripartite Council.
Iprenisinta ng ILO Consultant na si Atty. Rebecca Chato ang inception report na nagsisiguro na ang lahat ng informal workers sa coconut industry ay may sapat na kaalaman sa productivity, occupational safety at health at may sapat na impormasyon sa labor standards, welfare benefits, at gender equality.
Ninais din ng MOLE na mapalakas ang Labor Enforcement Program nito sa pamamagitan ng pag adopt ng Strategic Compliance Planning approach ng ILO.
Sa pulong, tinugunan din ang usapin ng child labor sa coconut industry bilang isa sa mga hakbang hinggil sa Bangsamoro Regional Action Plan against Child Labor.
Suportado naman ni MOLE Minister Muslimin Sema ang programa.
Comments