top of page

Paleng-QR PH Plus, inilunsad ng Bangko Sentral ng Pilipinas sa bayan ng Parang ngayong araw, katuwang ang LGU

  • Diane Hora
  • 25 minutes ago
  • 1 min read

IMINDSPH


ree

Maaga pa lamang ay dagsa na ang mga stablishment owners, market vendors at mga motorcycle drivers upang magparehistro.


Ito ay kasunod ng paglulunsad ng Bangko Sentral ng Pilipinas at Department of Interior ang Local Government ng Paleng-QR PH Plus sa bayan ng Parang.


Layon nito na ang public markets, transportation, at iba pang mga business stablishment sa buong kapuluan ng Pilipinas ay gagamit ng "quick response" o cashless na pagbabayad sa public markets, transport sectors at sa iba pang negosyo sa rehiyon.


Nagsagawa rin ng financial literacy session kaugnay ng paglulunsad ng programa ang mga katuwang na finacial service provider kabilang ang Gcash, Landbank of the Philippines, BDO at Amana Bank.


Ayon kay Mayor Ibay, maganda ang magiging epekto nitong programa sa patuloy na pag unlad ng bayan ng Parang.


Nagpasalamat ang opisyal sa aktibong pakikibahagi ng mga mamamayan ng Parang sa programa.


Hinihikayat ni Dr. Gregorio Baccay III, Cotabato Area Head ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang lahat na tangkilikin ang programang Paleng-QR PH Plus para sa mas convenient, safe at efficient na financial transaction.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page