Pamamahagi ng Libreng Gamot ng Project TABANG, pansamantalang itinigil mula December 1 hanggang 5
- Diane Hora
- Dec 2
- 1 min read
iMINDSPH

Pansamantala munang itinigil ng Project Tulong Alay sa Bangsamorong Nangangailangan o TABANG ang pamamahagi ng gamot mula December 1 to 5.
Ito ay base sa advisory na inilabas ng opisina sa kanilang Facebook page.
Ang pamamahagi ng libreng gamot sa ilalim ng Libreng Gamot para sa Bangsamoro Program ng Health Ancillary Services at ng iba pang mga serbisyo ng Project TABANG ay magkakaroon muna ng pansamantalang paghinto upang bigyang-daan ang mga kinakailangang internal adjustments at proseso ng Project Management Office.
Tinitiyak naman ng TABANG na ang mga programa ay agad na ipagpapatuloy sa sandaling matapos ang mga kinakailangang paghahanda.
Sa December 9, inaasahang balik-normal na ang pamamahagi ng libreng gamot at iba pang serbisyo ng TABANG.



Comments