top of page

Pamamahagi ng libreng gamot sa ilalim ng Project TABANG, muling sinimulan para sa Bangsamoro sa Cotabato City

  • Diane Hora
  • Nov 11
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Sa ilalim ng pamumuno ni Chief Minister Abdulraof “Sammy Gambar” Macacua, muling binuksan ng Project Tulong Alay sa Bangsamorong Nangangailangan (TABANG) ang Libreng Gamot Para sa Bangsamoro upang ipagpatuloy ang pagbibigay ng libreng gamot at medikal na tulong sa komunidad ng Bangsamoro.


Pinangungunahan ni Project Manager Brahim Lacua ang inisyatiba sa pamamagitan ng Health Ancillary Services ng Project TABANG, na patuloy na tumutugon sa mga pangangailangang pangkalusugan ng mga residente sa rehiyon.


Ipinapaalala sa mga benepisyaryo na magdala ng valid ID at original na reseta ng doktor kasama ang photocopy kapag kukuha ng libreng gamot.


Ang serbisyo ng Libreng Gamot Para sa Bangsamoro ay bukas tuwing Lunes, Miyerkules, at Biyernes, mula 8:00 AM hanggang 11:30 AM at 1:30 PM hanggang 5:00 PM sa Notre Dame Avenue, Cotabato City.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page