top of page

Pamamaril sa 3 indibidwal na nagdeliver ng ice cream sa Shariff Aguak kung saan 1 ang nasawi at 2 ang sugatan, robbery ang motibo ayon sa otoridad; 2 sugatang biktima, nakalabas na ng ospital!

  • Writer: LERIO BOMPAT
    LERIO BOMPAT
  • Jan 21
  • 1 min read

iMINDSPH



Robbery ang motibong natutumbok ng otoridad sa pamamaril sa Timbangan, Shariff Aguak, Maguindanao del Sur kung saan isa ang nasawi at dalawa ang sugatan.



Nakalabas na sa pagamutan ang dalawang biktima na sugatan ayon sa Shariff Aguak Municipal Police.



Ayon sa Shariff Aguak Police, hinarang ng mga armado na sakay ng dalawang motorsiklo ang mga biktima na sina Rey Balmores, na residente ng Macabiso, Sultan Kudarat.


Harris Utto Ampatuan, 25 years old na residente ng Barangay Labu-Labu, Shariff Aguak at Reymond Bajas, 34 years old na taga Masbate City at kasalukuyang naninirahan sa Cotabato City.


Sakay ng delivery truck ang mga ito lulan ang ice cream na inihatid sa bayan ng Rajah Buayan.


Pauwi na ang mga biktima sa Salimbao, Sultan Kudarat nang maganap ang krimen sa Timbangan, Shariff Aguak alas 3:00 ng hapon, araw ng Lunes, January 20.


Nasawi si Balmores na driver ng sasakyan.


Tinanggay ng mga armado ang pera at tatlong cellphone ng mga biktima.


Nakalabas na sa pagamutan ang dalawang sugatan sa pamamaril.


Blanko pa ang otoridad sa pagkakakilanlan sa mga salarin.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page