iMINDSPH
Partido na hindi mang iiwan ng isang lumalagong lungsod. Ito ang sinabi ng standard-bearer ng United Bangsamoro Justice Party sa Cotabato City, incumbent Mayor Bruce Matabalao sa talumpati nito matapos ipakilala ng pormal ang kanilang buong slate para sa 2025 elections sa ginanap na endorsement ng local candidates ng UBJP.
Standard-bearer pa rin ng United Bangsamoro Justice Party o UBJP si incumbent Mayor Bruce Matabalao para sa mayoral race sa 2025 elections.
Pormal nang inendorso ng partido ang buong slate nito sa lungsod sa ginanap na endorsement of local candidates araw ng Sabado.
Makaka-tandem ni Mayor Matabalao si kapitan Johair Madag ng Poblacion II ng syudad.
Sa hanay ng kanilang mga councilors, pinangungunahan ito ni incumbent councilor Popoy Formento, kasama nito sina 𝐄𝐥𝐲𝐛𝐨𝐲 𝐌𝐢𝐝𝐭𝐢𝐦𝐛𝐚𝐧𝐠, 𝐊𝐚𝐩. 𝐌𝐨𝐡𝐚𝐦𝐦𝐚𝐝 𝐌𝐚𝐧𝐠𝐞𝐥𝐞𝐧, 𝐀𝐭𝐭𝐲. 𝐀𝐧𝐰𝐚𝐫 𝐌𝐚𝐥𝐚𝐧𝐠, 𝐌𝐢𝐜𝐡𝐚𝐞𝐥 𝐃𝐚𝐭𝐮𝐦𝐚𝐧𝐨𝐧𝐠, 𝐅𝐚𝐢𝐝𝐳 𝐄𝐝𝐳𝐥𝐚, 𝐊𝐚𝐩. 𝐉𝐨𝐯𝐞𝐧 𝐏𝐚𝐧𝐠𝐢𝐥𝐚𝐧, 𝐃𝐚𝐭𝐮 𝐑𝐚𝐢𝐳 𝐒𝐞𝐦𝐚, 𝐊𝐚𝐩. 𝐉𝐨𝐧𝐚𝐬 𝐌𝐨𝐡𝐚𝐦𝐦𝐚𝐝 at 𝐁𝐚𝐢 𝐒𝐡𝐚𝐥𝐢𝐦𝐚𝐫 𝐂𝐚𝐧𝐝𝐚𝐨.
Ayon sa UBJP ang lineup na ito ay binubuo ng mga lider na may malalim na karanasan sa paglilingkod at may malasakit sa kapakanan ng mga mamamayan ng lungsod na nagkakaisa sa ilalim ng layunin ng UBJP.
Comentários