PANATILIHIN ANG MOMENTUM NG PAGBABAGO, BILIS AT PAGKAKAISA SA PAGPASA SA NATITIRANG PRIORITY CODES
- Diane Hora
- Aug 7
- 2 min read
iMINDSPH

Panatilihin ang momentum ng pagbabago at tiyaking maisakatuparan ang mga natitirang pangunahing panukalang batas bago ang nalalapit na unang parliamentary elections sa BARMM sa Oktubre.
Kasama ito sa binigyang diin ni Interim Chief Minister Abdulraof Macacua sa kanyang Chief Minister’s Hour.
Nanawagan din ito sa mga mambabatas, lokal na opisyal, ministries, at mamamayang Bangsamoro na panatilihin ang momentum ng pagbabago.
Kabilang sa mga binigyang-diin niyang priority legislative measures na kailangang ipasa bago ang halalan ay ang:
• Bangsamoro Revenue Code
• Bangsamoro Labor and Employment Code
• Budget System Law
• Paglikha ng Energy Development Corporation of the Bangsamoro
• Bangsamoro Gender and Development Code
• Magna Carta para sa PWDs sa BARMM
• Bangsamoro Code of Muslim Personal Laws
• Bangsamoro Investment Code
• Institutionalization of Da’wah in BARMM
• Lake Lanao Rehabilitation and Development Authority
• Transitional Justice and Reconciliation Mechanism
• Reapportionment ng 7 Parliamentary Seats ng Sulu
Pinuri ng Interim Chief Minister ang mga ministries na maayos at tapat na nagamit ang pondo, ngunit hinikayat ang iba na bilisan ang serbisyo at siguraduhing nararamdaman ito ng mamamayan.
Samantala, binalaan niya ang mga Local Government Units (LGUs) laban sa pagpapabaya, pulitika, at pagkukulang sa pagtupad ng kanilang tungkulin.
Nagpasalamat din si CM Macacua sa mga donor agencies at development partners para sa kanilang tuloy-tuloy na suporta, at kinilala ang sakripisyo ng mga mujahideen at peacebuilders sa pagtatag ng kasalukuyang gobyerno.
Sa pagtatapos ng kanyang talumpati, ibinahagi ni Macacua ang bigat ng kanyang tungkulin at ang inspirasyon niyang nakukuha mula sa simpleng mamamayang kanyang nakakasalamuha.
Aminado siyang hindi madali ang daan—may mga hamon sa nutrisyon, limitadong fiscal space, at mabagal na serbisyo—ngunit mananatili umano siyang tapat sa kanyang paninindigan:
Sa huli, muling nanawagan si Chief Minister Macacua ng pagkakaisa at pagtutulungan:



Comments