top of page

Pangangalaga sa mental health, pag-iwas sa sugal at katiwalian, paalala ni AFP Chief of Staff Romeo Brawner sa mga sundalo ng 6th Infantry Division ng Philippine Army

  • Teddy Borja
  • Aug 20
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Bumisita sa 6th Infantry Kampilan Division si AFP Chief of Staff General Romero Brawner Jr., araw ng Martes.


Sa kanyang pakikipag usap sa mga sundalo ng kampilan, mariin na hinikayat ng heneral ang mga kawal na panatilihing matatag ang kanilang kaisipan at humanap ng mga makabuluhang paraan upang makayanan ang mga personal na hamon.


Nagpaalala ito hinggil sa kahalagahan ng mental health at pag-iwas sa mga mapanirang bisyo gaya ng sugal, na aniya’y nakakasama hindi lamang sa serbisyo kundi maging sa kanilang pamilya.


Bukod sa mental health, muli ring iginiit ni Gen. Brawner ang kanyang direktiba na umiwas ang mga sundalo sa anumang gawain na maaaring mauwi sa katiwalian.


Aniya, mahalagang pangalagaan ang reputasyon ng AFP bilang isa sa mga pinakapinagkakatiwalaang institusyon sa gobyerno.


Pinuri rin niya si Major General Donald Gumiran, Commander ng 6ID at Joint Task Force Central, sa mga tagumpay ng dibisyon, at kinilala ang dedikasyon ng mga opisyal, enlisted personnel, at civilian human resource sa pagtupad ng kanilang misyon.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page