iMINDSPH
Binago na ang petsa ng paghahain ng COC ng kakandidato sa BARMM Parliamentary Districts at filing ng nominees ng Regional Parliamentary Political Parties.
Mula sa dating petsa na October 1 hanggang October 8 magiging November 4 hanggang November 9 na ito.
Maging ang political convention ay binago na rin ang petsa. Mula sa dating September 28, magiging october 28 na ito.
Ito ay base sa inilabas na COMELEC Resolution 11065. Ang dagdag na impormasyon hinggil sa usapin mula sa Regional Attorney ng Bangsamoro Electoral Office Atty. Mohammad Nabil Mutia.
Comments