Panukala hinggil sa libreng medical services sa mga senior citizen sa BARMM, isinusulong ni MP Hashemi Dilangalen
- Diane Hora
- Jul 24
- 2 min read
iMINDSPH
Isinusulong ni MP Dr. Hashemi Dilangalen sa Bangsamoro Parliament ang isang panukalang batas hinggil sa paglikha ng community-based health and wellness program na magbibigay ng libreng medical services sa mga senior citizens sa buong BARMM at mga conflict-affected areas.
Ang proposed Bangsamoro Healthy Ageing and Wellness Program ay naglalayon na maghatid ng libreng community-based health services sa mga residente, edad 60 pataas.
Ito ang Parliament Bill No. 375. Sa ilalim nito ang Ministry of Social Services and Development (MSSD) katuwang ang Ministry of Health (MOH) at local governments, ang mangunguna sa rollout ng geriatric care services sa pamamagitan ng fixed centers at mobile units.
Ipinapanukala rin sa ilalim nito ang pagkakaroon ng Senior Citizen Health Information System (SCHIS) para i-track ang medical needs, service coverage, at health outcomes.
Base sa 2020 census, mahigit 181,000 senior citizens ang naninirahan sa BARMM, marami sa mga lugar na ito na nanatiling limited o inaccessible ang health facilities.
Binigyang diin ng mambabatas ang kawalan ng dedicated geriatric centers sa rehiyon.
Sinabi nito na kinakailangan na palakasin ang social protection at health access para sa mga matatanda sa BARMM.
Kabilang sa mga serbisyo na sakop ng panukalang batas ang medical consultations, maintenance, medications, dental care, assistive devices at home visits para sa bedridden elders.
Binibigyang diin din sa panukala ang pagtrain ng local health workers at caregivers hinggil sa geriatric care.
Bilang pagkilala naman sa religious at cultural context, sakop din ng panukalang batas ang provisions para sa Islamic-aligned care practices, tulad ng halal nutrition, gender-sensitive caregiving at partnerships sa pagitan ng faith-based at indigenous institutions.
Sakaling maisabatas, ayon kay MP Dilangalen, ito ang kauna-unahang dedicated, regionwide program para sa aging at elder care sa BARMM, na tutugon sa kakulangan ng health services para sa senior citizens.

Comments