Construction worker tiklo sa ikinasang buy bust operation ng mga awtoridad sa Cotabato City.
- Diane Hora
- Aug 5
- 1 min read
iMINDSPH

Isang construction worker ang arestado sa isinagawang buy-bust operation sa Rosary heights 11 ng lungsod.
Ikinasa ang buy-bust operation ng awtoridad ala 7:30 ng gabi, araw ng Lunes, August 4, 2025.
Kinilala ang suspek na si alyas "Tata", 54 taong gulang, at residente ng nasabing barangay.
Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang suspek at inihahanda na ang mga kaukulang kaso kaugnay sa Republic act 9165 o ang Comprehensive dangerous drug act of 2002



Comments