top of page

OBW mula Jeddah, Saudi Arabia, ligtas na nakabalik ng bansa sa tulong ng MOLE na naospital dahil sa sobrang pagod, pagmamaltrato, at kawalan ng access sa pagkain, suweldo, at medikal na suporta.

  • Diane Hora
  • Aug 5
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Isang 45-anyos na Overseas Bangsamoro Worker (OBW) mula sa Bonggo Island, Parang, Maguindanao del Norte ang personal na bumisita sa tanggapan ng Ministry of Labor and Employment (MOLE) noong Hulyo 29, 2025, upang pasalamatan si Labor Minister Muslimin “Bapa Mus” Sema at ang buong ministry sa pagtulong sa kanyang ligtas na pagbabalik mula sa Saudi Arabia.


Ayon sa ulat, dalawang taon siyang nagtrabaho bilang domestic helper sa Jeddah, at kamakailan ay naospital dahil sa sobrang pagod, pagmamaltrato, at kawalan ng access sa pagkain, suweldo, at medikal na suporta.


Noong Enero 2025, humingi ng tulong ang kanyang pamilya sa pamamagitan ng isang local radio station sa Cotabato City. Agad namang kumilos ang MOLE, sa pamumuno ni Minister Sema. Sa pamamagitan ng Overseas Workers Welfare Bureau (OWWB) na pinamumunuan ni Director Annuarudin Tayuan, nakipag-ugnayan ang ministry sa mga national agencies gaya ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at Department of Migrant Workers (DMW) para maisakatuparan ang kanyang repatriation.


Dumating siya sa Pilipinas noong Hulyo 24 at bumalik sa MOLE para magpasalamat.


Binanggit ni Minister Sema na isa sa mga prayoridad ng MOLE ay ang masusing pagbabantay sa kalagayan ng mga OBWs, lalo na sa Middle East kung saan marami pa ring kaso ng abuso at paglabag sa kontrata.


Bilang bahagi ng mandato ng MOLE, nangako rin ang ministry na magbibigay ng relief assistance at suporta sa reintegration para tulungan ang OBW na makabangon mula sa naranasang hirap sa ibang bansa.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page