Panukala na naglalayong magtatag ng Bangsamoro Sports Institute o BSI para i-develop ang mga homegrown athletes at palakasin ang presensiya ng rehiyon sa national at international competitions, inihai
- Diane Hora
- Jul 24
- 1 min read
iMINDSPH
Ang BTA Bill Blg. 377, na inakda nina Members of Parliament Alindatu Pagayao, Kadil Sinolinding Jr., Muhammad Nadzir Ebil, at Adzfar Usman ay naglalayong magkaroon ng isang regional training center para sa mga atleta, coach at sports officials sa buong rehiyon.
Ang BSI ay magsisilbi ring lugar para sa pagsasagawa ng mga tournaments at pananaliksik sa larangan ng palakasan.
Sa ilalim ng panukala, iniaalok ng BSI ang structured training programs, certification para sa coaches at referees, at supporta para sa mga atleta para sa paghahanda sa international events. Nilalayon din nitong isulong ang disiplina, unity at Islamic values sa pamamagitan ng sports.
Minamandato rin sa panukala ang inclusion ng mga programa na magpi-preserba at magsusulong sa indigenous sports at traditional martial arts, at pagkilala sa mga ito bilang vital elements ng Bangsamoro cultural identity at heritage.
Sakaling maisabatas, mag-o-operate ang BSI sa ilalim ng supervision ng Bangsamoro Sports Commission at makikipag ugnayan sa national bodies tulad ng Philippine Sports Commission, Department of Education, and Commission on Higher Education upang matiyak na ang mga programa ay naayon sa national standards.

Comments