Panukala na nagsusulong sa pagtatatag ng kauna-unahang maritime school sa BARMM, inihain sa BTA Parliament
- Diane Hora
- Apr 23
- 1 min read
iMINDSPH
Isinasaad ng Parliament Bill No. 356 o ang Tawi-TAwi Maritime School Act of 2025 ang pagtatatag ng maritime school na kauna-unahan sa BARMM.
Inihain ang panukalang batas, araw ng Martes sa pagpapatuloy ng sesyon ng BTA.
Iniakda ito ni MP Jet Lim at ipinanukalang itatayo sa Tawi-Tawi.
Nilalayon ng proposed bill ang specialized maritime education.
Ayon sa opisyal, kilala ang Tawi-Tawi sa maritime heritage nito at matagal na aniyang naging isolated mula sa main educational at economic hubs ng bansa.
Sakaling maisabatas, i-aalok ng paaralan ang degree programs tulad ng Bachelor of Science in Marine Transportation (BSMT) at Bachelor of Science in Marine Engineering (BSMarE), gayundin ang short courses tulad ng basic safety training, seafarers rating, fishery technology, at vessel operations at maintenance.
Ang proposed school ay mapapasailalim sa supervision ng Ministry of Basic, Higher, and Technical Education (MBHTE), sa pakikipagtulungan ng Ministry of Agriculture, Fisheries, at Agrarian Reform (MAFAR) at maritime authorities.
Sa ilalim ng proposed measure, ang pondo para sa pagtatatag ng paaralan ay manggagaling sa annual budget ng Bangsamoro government sa pamamagitan ng MBHTE, at sa dagdag resources na posibleng manggaling sa grants, donations, at income-generating projects ng paaralan.

Comments