Panukalang badyet ng Development Academy of the Bangsamoro (DAB), isinalang sa deliberasyon ng Subcommittee C ng Committee on Finance, Budget, and Management
- Diane Hora
- Dec 3
- 1 min read
iMINDSPH

Ipinagpatuloy ng Subcommittee C ng Committee on Finance, Budget, and Management ang paghimay ng budget ng mga ministry, agence at office ng BARMM, araw ng Martes, December 2.
Tinalakay sa pagpapatuloy ng budget deliberation ng komite ang proposed ₱71 milyong badyet para sa Development Academy of the Bangsamoro (DAB) para sa fiscal year 2026.
Layon ng pondo na suportahan ang iba’t ibang programa at gawain ng ahensya, kabilang ang training at assessment, research at policy development, education at extension services, at knowledge management initiatives.
Ang DAB ang nagsisilbing pangunahing institusyon para sa human capital development sa loob ng pamahalaang Bangsamoro, na nakatuon sa pagsasanay at pananaliksik para sa mga ahensya ng gobyerno at kanilang mga tauhan.
Ayon kay DAB Executive Director Nasrudin Yusof, malaking bahagi ng panukalang badyet ay ilalaan sa capacity development at training services para sa mga opisyal at kawani ng BARMM na makakatulong sa pagpapalakas ng paghahatid ng mga programang mahalaga sa patuloy na pag-unlad ng rehiyon.



Comments