top of page

Panukalang Bangsamoro Children’s Hospital, isinusulong ni MP Naguib Sinarimbo sa BTA Parliament

  • Diane Hora
  • Nov 14
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Ayon sa inihaing panukalang batas ni MP Naguib Sinarimbo, itatayo sa Cotabato City ang Bangsamoro Children’s Hospital.


Ito ay isang 200-bed facility sa ilalim ng supervision ng Ministry of Health.


Tinitiyak ng proposed bill na walang batang Bangsamoro ang hindi mabibigyan ng medical attention dahil sa kahirapan o layo ng lugar.


Ang proposed hospital ay nakatuon sa pagbibigay ng

pediatric, neonatal, at nutrition services, gayundin ang immunization programs.


Ayon kay MP Sinarimbo, magsisilbi itong isang “sanctuary of healing”.


Magiging training hub din ito para sa mga healthcare workers at medical practitioners sa rehiyon.


Ang Ministry of Health ang magbubuo ng plano para sa facilities, staffing, at operations, ng pagamutan.


Habang ang pondo para sa construction at maintenance ay manggagaling sa budget ng Bangsamoro government sa pamamagitan ng ministry.


Kapag naisabatas, magiging kauna-unahang government-run pediatric hospital sa BARMM.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page