Panukalang batas hinggil sa pagkakaroon ng special intervention fund para suportahan ang agarang infrastructure needs sa buong BARMM, isinusulong sa BTA Parliament
- Diane Hora
- 1 day ago
- 1 min read
iMINDSPH

Sumalang sa BTA Parliament ang BTA Bill No. 361 o ang BARMM Critical Infrastructure Intervention Fund Act of 2025 na isinusulong ni BTA Deputy Speaker Baintan Ampatuan.
Ito ay isang special intervention fund na susuporta sa agarang pangangailangan sa imprastruktura sa buong Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Sa ilalim ng panukalang batas, mabibigyan ang regional government ng immediate access sa resources para sa emergency infrastructure repairs at reconstruction lalo na sa panahon ng natural disasters at armed conflict.
Nilalayon ng proposed measure na tutulungan ang local authorities sa maagap na pag-responde sa damaged roads, bridges, schools, hospitals, at iba pang public facilities nang hindi naantala dahil sa budget constraints o mahabang approval processes.
Sakop din ng panukalang batas ang rehabilitation ng infrastructure buhat ng typhoons, floods, landslides, armed encounters, at reconstruction ng essential public facilities, tulad ng transportation networks, communication systems, at water infrastructure.
Ayon sa datos ng Ministry of Public Works mahigit 40% ng public infrastructure sa BARMM ay vulnerable sa natural hazards.
Dumanas din ayon sa datos ng pagkasira sa mga daan, tulay at gusali ang mga lalawigan ng Maguindanao del Norte, Lanao del Sur, at Basilan dahil sa karahasan.
Sa taong 2022 lamang ayon sa report, mahigit 70,000 na indibidwal ang nawalan ng tirahan dahil sa armed conflict sa rehiyon.
Sa ilalim ng proposed measure, magkakaroon ng Program Management Office o PMO sa MPW na mangangasiwa sa pagtukoy ng proyekto, prioritization, at fund allocation.
Ang inisyal na budget na nagkakahalaga ng P500 million ay kukunin mula sa annual appropriations ng Bangsamoro Government at may karagdagang pondo mula sa grants, donations, at savings mula sa completed o discontinued projects.
Comments