Panukalang batas kaugnay sa pamantayan tuwing inaawit o tinutugtog ang Bangsamoro Hymn, itinutulak sa BTA Parliament
- Diane Hora
- 18 hours ago
- 1 min read
iMINDSPH

Gumulong na ang public hearing ng Committee on Basic, Higher, and Technical Education hinggil sa Bangsamoro Hymn Decorum Act.

Ito ang Parliament Bill No. 175 na naglalayon na isulong ang consistent at wastong asal tuwing tinutugtog o inaawit ang Bangsamoro Hymn.

Nakasaad sa panukalang batas ang mga dapat gawin tuwing inaawat o tinutugtog ang Bangsamoro Hym, tulad ng pagtayo ng matuwid, humarap sa watawat o kung saan nagmula ang tugtog at ilagay ang kanang kamay sa dibdib.
Nangako naman ang mga lumahok sa pagdinig mula sa iba’t ibang ministries, local government units, at educational institutions committed sa pagsusulong nito sa kani-kanilang mga tanggapan.
Inirekomenda rin ang dagdag probisyon sa pagtuko sa mga prohibited acts, pagkakaroon ng official version ng hym at pagbibigay ng exemption sa mga emergency situations.
Ang Parliament Bill No. 175 ay iniakda nina Members of Parliament Mohagher Iqbal, Sha Elijah Dumama-Alba, Suharto Esmael, at former MP Aida Silongan.
Inaasahan namang isusumite ang panukala para sa plenary deliberation kasunod ng konsultasyon.
댓글