top of page

Panukalang batas na nag-aatas sa lahat ng ministries, agencies, LGUs, at Government-Owned or-Controlled Corporations sa BARMM na mag-release ng sweldo sa huling working day bago mag-weekends, inihain

  • Diane Hora
  • Nov 11
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Sa ilalim ng Parliament Bill No. 390, ang lahat ng government workers sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ay makatatanggap ng kanilang sweldo bago mag-weekends o holidays, sakaling ang payday ay non-working day.


Ang “Bangsamoro Timely Salary Release Act” ay nagmamandato sa lahat ng ministries, agencies, LGUs, at Government-Owned or-Controlled Corporations sa BARMM na mag-release ng sweldo sa huling working day bago mag-weekends o holidays.


Hindi kasama rito ang private establishments, ngunit sakop ang regular, contractual, at casual government employees.


Ang proposed measure ay inihain ni Member of the Parliament Kitem Kadatuan Jr.


Ayon sa mambabatas, kikilalanin nito ang kapakanan ng regional employees at matitiyak na magkakaroon sila ng access sa kanilang sahod nang walang delay.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page