top of page

Panukalang batas na naglalayong tustusan ang gastusin ng mga mag-aaral lampas sa libreng matrikula, tulad ng pamasahe, libro, at pagkain, isinusulong sa BTA Parliament

  • Diane Hora
  • Dec 11
  • 1 min read

 iMINDSPH


ree

Itinutulak ni MP Baintan Ampatuan ang panukalang College Education Bridging Fund o CEBF.


Layon nitong tulungan ang mga estudyante mula sa low-income families na makapagpatuloy sa kolehiyo at matapos ang kanilang degree.


Sa ilalim ng panukala, ang CEBF ay magbibigay ng hindi bababa sa ₱50,000 kada estudyante upang matustusan ang gastusin lampas sa libreng matrikula, gaya ng pamasahe, dormitoryo, libro, internet, pagkain, at iba pang pangunahing pangangailangang pang-akademiko.


Pamamahalaan ang pondo ng Ministry of Basic, Higher, and Technical Education (MBHTE-BARMM), katuwang ang mga lokal na pamahalaan, kolehiyo, at iba pang partner institutions upang matiyak na ang tulong ay makarating sa mga tunay na nangangailangan.


Prayoridad ang mga mag-aaral mula sa mahihirap o conflict-affected areas, indigenous peoples (IPs), at persons with disabilities (PWDs).


Ayon kay Deputy Speaker Baintan Ampatuan, ang mga gastusing ito ang madalas na nagiging dahilan ng pagkaantala ng pag-aaral o tuluyang pag-dropout ng mga estudyante, kahit pa libre ang matrikula sa maraming institusyon.


Magpapalabas ang MBHTE ng guidelines sa eligibility, dokumentaryong kailangan, proseso ng pagpili, at paraan ng pag-release ng pondo.


Ayon sa mambabatas, kailangan ang pondo dahil 9.6% lamang ng mga nasa hustong gulang sa BARMM ang nakapagtapos ng kolehiyo—malayo sa national average na 24.9%. Maraming estudyante ang tumitigil sa pag-aaral dahil hindi kayang tustusan ang pang-araw-araw na gastusin kahit libre ang tuition.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page