top of page

Panukalang hatiin sa 2 parliamentary districts ang SGA, isinusulong sa BTA Parliament

  • Diane Hora
  • Nov 19
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Inihain rin nina MP Mohammad Kelie Antao, Suwaib Oranon, Tawakal Midtimbang, at Mudjib Abu ang panukalang hatiin sa dalawang BARMM Parliamentary Districts ang SGA.


Ang SGA ay mga lugar sa North Cotabato na bumoto para mapabilang sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), kasunod ng February 2019 plebiscite.


Ang mga barangay na ito ay matatagpuan sa walong bayan sa Cotabato Province, na kinabibilangan ng Pahamuddin, Kadayangan, Nabalawag, Tugunan, Malidegao, Ligawasan, Kapalawan, at Old Kaabakan.


Sa ilalim ng panukalang batas, ang mga bayan ng Pahamuddin, Kadayangan, Nabalawag, at Tugunan ay mapapabilang sa first parliamentary district na binubuo ng 33 barangays at mayroong mahigit 103,000 residents at may annual income na ₱120 million.


Sakop naman ng second district ang Malidegao, Ligawasan, Kapalawan, at Old Kaabakan. Sakop ang 29 barangays at mayroong mahigit 112,000 residents na may annual income na halos ₱125 million.


Sa lahat ng probinsya, ang SGA ang nag-iisang lugar sa BARMM na mayroong inihaing panukala na nakatutok lamang sa pagtatatag ng parliamentary districts sa lugar.


Ayon sa mga mambabatas, ang pagkakaroon ng parliamentary districts sa SGA ay magbibigay ng boses sa mga residente sa regional governance, magpapabilis sa paghahatid ng government services, at magbibigay ng mas maraming oportunidad para sa socio-economic development.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page