Panukalang magtatatag ng transitional justice and reconciliation program sa BARMM, aprubado na ng Committee on the Bangsamoro Justice Sytem
- Diane Hora
- Aug 12
- 1 min read
iMINDSPH

Aprubado na ng Committee on the Bangsamoro Justice System, araw ng Linggo, August 10, ang mga pinagsamang panukalang batas na naglalayong magtatag ng transitional justice and reconciliation program sa rehiyon.
Sa ilalim ng Parliament Bill No. 353, lilikhain ang Bangsamoro Transitional Justice and Reconciliation Commission na mangunguna sa imbestigasyon ng mga paglabag sa karapatang pantao, paglutas ng mga alitang may kaugnayan sa lupa, at pagsusulong ng pananagutan at pagkakasundo sa mga pamayanang naapektuhan ng dekada-dekadang armadong tunggalian.
Itinuturing na prayoridad ni BARMM Chief Minister Abdulraof Macacua, ang panukala, na ni-refer na sa Committee on Finance, Budget, and Management upang plantsahin ang probisyon sa pondo bago dalhin sa plenaryo para sa mas malawak na talakayan.
Pinagsama sa panukalang ito ang orihinal na bersyon na inihain ng Government of the Day at isang kahalintulad na panukala mula kay Deputy Speaker Laisa Alamia.
Ayon kay Committee Chair Suharto Ambolodto, ang panukalang batas ay “puso ng proseso ng kapayapaan sa Bangsamoro.”



Comments