Panukalang one-time financial benefit sa mga permanent, contractual, at co-terminous employees ng BTA na maalis sa trabaho sa pagtatapos ng transition period, inihain sa Bangsamoro Parliament
- Diane Hora
- Nov 14
- 1 min read
iMINDSPH

Kinikilala sa proposed Parliament Bill No. 405 o BTA Gratuity Fund Act ang serbisyo at kontribusyon ng mga empleyado ng BTA na naging bahagi ng pagtatatag at pagpapatatag ng BARMM.
Sa ilalim ng panukala na iniakda ni MP Susana Anayatin, makatatanggap ng one-time financial benefit ang mga empleyadong matatanggal sa serbisyo pagkatapos ng transition period, katumbas ng isang buwang sahod para sa bawat taon ng serbisyo, kung saan ang hindi bababa sa anim na buwang serbisyo ay bibilangin bilang isang buong taon.
Hinango ang panukalang ito mulsa sa naging mekanismo noong 2019 dissolution ng ARMM, kung saan naglaan ang national government ng ₱500 milyon para sa separation benefits ng mga dating ARMM employees.
Pangungunahan ng Ministry of Finance, Budget and Management, katuwang ang Human Resource Management Unit at Civil Service Commission for BARMM, ang validation, computation, at maayos na pag-release ng gratuity payments.
Kapag naisabatas, magsisilbi itong pagkilala sa mahalagang papel na ginampanan ng BTA employees sa paglipat mula transitional governance tungo sa ganap at matatag na Bangsamoro Government.



Comments