Panukalang pagtatatag ng Bangsamoro Commission on Higher Education o BCHED, isinusulong sa BTA Parliament
- Diane Hora
- Dec 10
- 1 min read
iMINDSPH

Sumalang sa first reading ang panukalang pagtatatag ng Bangsamoro Commission on Higher Education o BCHED.
Sinabi ni Member of the Parliament Tomanda Antok, isang stand-alone office ang BCHED.
Layunin ng hakbang na matiyak ang kalidad ng higher education sa rehiyon, gawing accessible sa lahat ng residente, at maging globally competitive ang lahat ng graduates at professionals sa rehiyon.
Ang operasyon ng proposed commission ay hiwalay sa Ministry of Basic, Higher, and Technical Education at mapapasailalim sa Office of the Chief Minister.
Sa ilalim ng Parliament Bill No. 417, o ang Bangsamoro Higher Education Act of 2025, ang BCHED ang tututok sa lahat ng public at private higher education institutions sa BARMM, kabilang ang Bangsamoro Regional Institute for Higher Islamic Studies.
Kabilang sa mandato nito ang pagtatakda ng academic standards, pagmonitor ng school performance, at pagtiyak na ang mga programa ay naayon sa local at global needs.
Isa sa mga pangunahing bahagi ng panukala ang pagtatatag ng Higher Education Development Fund, na iminungkahing pondohan ng P500 milyon mula sa Bangsamoro Government.
Susuportahan ng pondo ang scholarships, research grants, technology upgrades, at professional development para sa faculty at administrators.
Irerepresenta rin ng BCHED ang rehiyon sa national agencies tulad ng Commission on Higher Education o CHED at sa Unified Financial Assistance System for Tertiary Education o UniFAST, na magbibigay ng boses sa paghulma sa national higher education policies.
Kabilang sa mga may-akda ng panukala sina Members of Parliament Naguib Sinarimbo, Kitem Kadatuan Jr., Ibrahim Ibay, Abdulbasit Benito, Alindatu Pagayao, Butch Malang, at Ma-Arouph Candao.



Comments