Panukalang resolusyon na bigyang kapangyarihan ang mga tribal council sa paghawak ng mga sensitibong kaso, tinalakay ng Committee on Indigenous Peoples’ Affairs o CIPA
- Diane Hora
- Aug 12
- 1 min read
iMINDSPH

Sa paghaharap ng Committee on Indigenous Peoples’ Affairs o CIPA-
Tinalakay ng komite ang panukalang resolusyon ni Vice Chairperson Froilyn Mendoza na naglalayong bigyang kapangyarihan ang mga tribal council sa paghawak ng mga sensitibong kasong may kinalaman sa sexual violence, partikular na ang panggagahasa, sa loob ng katutubong pamayanan. Layunin nitong mas maprotektahan ang mga kababaihan at kabataan sa mga komunidad na ito.
Ayon kay Committee Chair Ramon Piang Sr., mahalaga ang pagpapalakas ng pamumuno at partisipasyon ng mga lider-tribu para epektibong matugunan ang ganitong mga isyu.
Nagpanukala rin si Timuay Alim Bandara ng Tiduray Justice and Governance na maglatag ng malinaw na gabay para sa mga lider-tribu sa paghawak ng mga sensitibong kaso.
Isa pang resolusyong tinutukan ay ang pagkilala at pangangalaga sa sagradong batong brownstone o “Batew” sa Mount Firis, sa bayan ng Datu Saudi Ampatuan, Maguindanao del Sur.
Bagaman kinilala ng komite ang kahalagahan ng dalawang panukala, ipinagpaliban muna ang desisyon para sa mas malalim na talakayan.
Isinagawa rin ng komite ang oversight hearing sa performance ng Ministry of Indigenous Peoples’ Affairs.
Ipinrisenta ni Minister Guiamal Abdulrahman ang mga nakatakdang programa gaya ng tribal assemblies para sa non-Moro IPs, ang IP Household Survey, at ang paghahanda para sa pagdiriwang ng IPs Month.
Layunin ng mga hakbang na ito na tiyakin na ang mga katutubong komunidad ay may matatag na pamumuno, malinaw na access sa hustisya, at proteksyon para sa kanilang kultura at karapatan.



Comments