top of page

Parang LGU Palace Landmark Design Competition, bukas sa lahat ng artist, architect at designer sa buong bansa

  • Diane Hora
  • Nov 13
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Bukas ang Palace Landmark Design Competition para sa mga artist, architect, at designer saan man sa bansa.


Ang mapipiling landmark design ay itatayo sa harap ng Iranun Palace at magsisilbing simbolo ng pagkakaisa, pagkakakilanlan, at kaunlaran sa bayan ng Parang.


Kinakailangan lamang lumikha ng isang masterpiece na tumutugma sa Islamic-inspired architecture ng Iranun Palace, sumasalamin sa mayamang kultura ng mga Iranun, at naglalarawan ng mga mithiing pangkapayapaan at pangkaunlaran.


Bukas ito sa lahat sa nationwide competition, at ang mapipiling obra ay tatanggap ng cash prize na ₱20,000.


Deadline ng submission: November 17, 2025 (Lunes)

Isumite sa email: dackysalazar1@gmail.com

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page