iMINDSPH
Umabante na sa second reading ang Parliement Bill Nos. 331, 332, at 333 na naglalayong amyendahan ang Section 5 ng Bangsamoro Autonomoy Act Nos. 53, 54 at 55 o ang patatatag ng bayan ng Nuling, Sheik Abas Hamza, at Datu Sinsuat Balabaran municipalities.
Matatandaang dineklara ng Supreme Court na “unconstitutional” ang nasabing probisyon ng mga batas.
Nauna nang sinabi ng COMELEC BARMM na maari pang ituloy ang plebesito para sa ratipikasyon ng mga nabanggit na batas.
Nasa second reading na ang Parliament Bill Nos. 331, 332 at 333 o mga panukalang batas na naglalayong amyendahan ang Section 5 ng Bangsamoro Autonomoy Act Nos. 53, 54 at 55 matapos dineklara ng Supreme Court na “unconstitutional” ang nasabing probisyan.
Iginiit ng Korte Suprema na dapat ay ang mga residente ng buong bayan ang boboto at hindi lamang ang mga residente ng barangay na ipinapanukalang mapapasakop sa bubuuhing bayan.
Kasunod nito, pinatitigil ng Supreme Court ang anumang uri ng paghahanda sa nakatakdang plebesito para sa ratipikasyon ng mga batas na bahagi ng proseso kung pabor o hindi ang mga residente sa pagtatatag ng bayan ng Nuling, Sheik Abas Hamza, at Datu Sinsuat Balabaran.
Araw ng Lunes nang sumalang sa 1st reading ng BTA Parliament ang Parliament Bill Nos. 331, 332 at 333
Kahapon, araw ng Huwebes, naghayag naman ng kanyang sponsorship speech si Deputy Speaker Lanang Ali Jr.
Ini-refer na sa Committee on Amendments ang mga nabanggit na panukala na ihian ng Government of the Day para mahimay ito.
Nauna nang sinabi ni COMELEC BARMM Regional Director Ray Sumalipao na maari pang ituloy ang plebesito para sa ratipikasyon ng mga batas kaugnay sa pagtatatag ng mga bayan ng Nuling, Sheik Abas Hamza, at Datu Sinsuat Balabaran.
Comments