top of page

Pasalubong Center, itatayo ng MOTC BARMM sa Sanga-Sanga Airport; Matibay na maritime connectivity, masiglang inter-island trade at mas maayos na logistics, tinututukan ng bagong talaga na MOTC Ministe

  • Diane Hora
  • Aug 21
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Nagpatuloy ang pagsusumikap ng Bangsamoro Government na palakasin ang transportasyon, turismo, at lokal na ekonomiya. Tinungo ni MOTC Minister Termizie Masahud ang Tawi-Tawi upang pagtibayin ang ugnayan sa lokal na pamahalaan at suportahan ang mga proyektong makikinabang ang mga mamamayan.


Noong Agosto 15, bumisita si Minister Termizie Masahud kay Mayor Jasper Que ng Bongao. Sa pulong, ipinahayag ng alkalde ang kanyang buong suporta sa mga programa ng MOTC na nakatuon sa mas maraming oportunidad pang-ekonomiya para sa mga taga-Bongao at buong Tawi-Tawi.


Sa Sanga-Sanga Airport, iminungkahi ng MOTC ang pagtatayo ng Pasalubong Center na magtatampok sa yaman ng kultura ng Tawi-Tawi at susuporta sa maliliit na negosyo at MSMEs. Sinuri rin ng ministro ang parking area upang mapabuti ang access at serbisyo para sa mga biyahero.


Kasunod nito, bumisita rin ang opisyal sa Bangsamoro Ports Management Authority at Bangsamoro Maritime Industry Authority noong Agosto 17. Tinalakay dito ang mga plano sa pagpapalawak ng imprastruktura para sa mas matibay na maritime connectivity, masiglang inter-island trade, at mas maayos na logistics.


Sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa lokal na pamahalaan ng Tawi-Tawi, pinatitibay umano ng Ministry of Transportation and Communications ang pangako nitong maghatid ng mas Maayos na konektibidad at masiglang turismo sa buong Bangsamoro region.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page