iMINDSPH

Dead on arrival sa ospital si Patrolwoman Amerah Ganatan Mamayandug, 28 years old, residente ng Making, Parang, Maguindanao del Norte.

Ito ang deklarasyon ng attending physician nang dinala ito sa Amai Pakpak Medical Center sa Marawi City ayon sa report ng Lanao del Sur Provincial Police Office.
May tama ng bala sa tiyan ang biktima.
Suspek sa krimen ang kapwa nito pulis na si Patrolwoman Sittie Johainiah Cabugatan Langgay, 27 years old, residente ng Balindong, Lanao del Sur.
Ayon kay PMajor Salahuddin Basher, ang tagapagsalita ng Lanao del Sur Provincial Police Office, magkatabi ang kwarto ng biktima at suspek sa inuupahang boarding house.
Nangyari ang insidente alas 3:30 ng hapon, araw ng Huwebes, February 27 sa Biaba, Damag Marawi City.
Nasa kustodiya na ng Marawi City Police ang suspek na pulis.
Comments