Patuloy na pag-unlad ng Cotabato City, ibinida ni Mayor Bruce Matabalao sa kanyang State of the City Address 2025
- Diane Hora
- Nov 5
- 1 min read
iMINDSPH

Hindi lamang umano nasusukat sa tax collection ang pag-unlad ng Cotabato City, kundi makikita rin ito sa dumaraming bilang ng mga negosyong nagparehistro at sa mataas na antas ng client satisfaction.
Ito ang ipinahayag ni Mayor Bruce Matabalao sa kanyang State of the City Address 2025.
Ibinahagi rin ng alkalde ang nilagdaang kasunduan sa pagitan ng Bangsamoro Sports Commission at ng Cotabato City Government para sa pagpapatayo ng state-of-the-art Sports Complex na maaaring pagdausan ng malalaking sports event tulad ng Palarong Pambansa.
Magkakaroon din, aniya, ng karagdagang mga programa para sa mga kooperatiba. Ipinagmalaki rin niya ang pagkilala kay Ms. Belen Tanghal bilang Outstanding City Cooperative Officer sa CDA Gawad Parangal 2025.
Tiniyak ng alkalde na pagsusumikapan ng kanyang administrasyon ang pagkamit ng parangal na Highly Urbanized City status para sa Cotabato. Bagama’t matayog aniya ang mithiin, hindi ito kailanman imposible.



Comments