top of page

PAVE 2.0 ‘Kaelluman’, inilunsad ng pamahalaang panlalawigan ng Basilan

  • Diane Hora
  • Dec 5
  • 2 min read

iMINDSPH


ree

Sa layuning labanan ang violent extremism, inilunsad ng Provincial Government ng Basilan ang PAVE 2.0 ‘Kaelluman,’ na isang pinalakas na bersyon ng homegrown Program Against Violent Extremism.


Pinangunahan ito ni Basilan Governor Mujiv Hataman kung saan nakatutok ang programa sa pagbibigay-kabuhayan bilang pangunahing sandata laban sa pagre-recruit at pagbalik sa karahasan.


Dinaluhan ang programa ng mga opisyal ng pamahalaan, AFP, PNP, religious leaders, at partners mula sa iba’t ibang sektor para iisa ang direksyon ng peace and development work.


Nakiisa din ang humigit-kumulang 400 former violent extremists at community volunteers.


Sinuportahan din ito ng Nagdilaab Foundation na naging instrumental sa tagumpay ng orihinal na PAVE.


Naitatag na ni Gov. Hataman ang orihinal na PAVE noong siya pa ang gubernador ng dating ARMM at mula noon ay naging batayan ito ng community engagement sa lalawigan sa paglaban sa ugat ng terorismo.


Sa bagong Kaelluman, ginagamit ang sustainable livelihood, training, at suporta para hindi na muling maengganyo ang sinuman sa extremist narratives.


Idiniin ng mga religious at security leaders na ang tunay na kapayapaan ay nakabase sa good governance, ligtas na pamayanan, at kabuhayang sapat para sa pamilya.


Dito umano papasok ang sabayang pagkilos ng PGB, AFP, PNP, MENRE, at civil society upang mas maayos ang pag-rollout sa barangay level — mula youth engagement at conflict prevention hanggang sa regular na monitoring.


Kasabay naman ng kickoff ang panunumpa ng iba’t ibang ahensya at institusyon na magtutulungan sa pagpapatupad ng programa.


Samantala, nagbigay naman ang provincial government ng cash assistance para magamit na puhunan ng mga benepisyaryo sa sisimulang kabuhayan.


Target ng PAVE 2.0 Kaelluman na makitang bumababa hindi lang ang insidente ng karahasan kundi tumataas din ang bilang ng pamilyang may maayos at tuluy-tuloy na kabuhayan.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page