Payong-payong driver, arestado sa buy-bust operation ng awtoridad sa Cotabato City
- Teddy Borja
- 2 days ago
- 1 min read
iMINDSPH

Timbog ang isang payong-payong driver sa buy-bust operation na isinagawa ng awtoridad.
Kinilala ang suspek na si alyas “Abu”, 28-anyos, residente ng Matalam Street, Barangay Rosary Heights 10 ng syudad.
Isinagawa ang operasyon, araw ng Martes, July 29 sa Purok 5, Rosary Heights 9.
Nakumpiska mula sa suspek ang sumusunod na ebidensya:
• Pitong (7) medium-size na heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng puting kristal na hinihinalang shabu.
• Dalawang (2) genuine ₱1,000 bills (₱2,000.00) na may serial numbers
• Tatlumpu’t pitong (37) piraso ng ₱1,000 boodle money.
• Isang (1) cigarette pack
• Isang (1) Android phone.
• Isang (1) piraso ng ignition key ng mini van
• Isang (1) puting delivery pouch.
Kasalukuyang inihahanda ng awtoridad ang kaso para sa paglabag sa Republic Act No. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Comments