Payong payong driver, arestado sa buy-bust operation ng pulisya; hinihinalang shabu ang nasamsam sa operasyon
- Teddy Borja
- 2 days ago
- 1 min read
iMINDSPH

Arestado ng awtoridad ang isang payong payong driver sa ikinasang anti-illegal drug buy-bust operation sa Barangay Rosary Heights 8.
Kinilala ang suspek na si alyas “Moks”, 44-anyos, single, isang payong-payong driver at residente ng Barangay Rosary Heights 8, Cotabato City.
Sa operasyon, naaktuhan umano ang suspek na nagbenta ng isang sachet ng hinihinalang shabu na may tinatayang timbang na 0.08 gramo at may standard drug price na ₱544.
Narekober din mula sa kanya ang isang ₱500 na marked money na ginamit sa transaksyon.
Agad dinala ang suspek sa Police Station 1 para sa proper disposition.
Inihahanda na ang kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban sa kanya.



Comments