Payong-payong driver sa Datu Saudi Ampatuan, Maguindanao del Sur, arestado dahil sa pagdadala ng hindi lisensiyadong baril at paglabag sa COMELEC Gun Ban
- Teddy Borja
- Feb 13
- 1 min read
iMINDSPH

Hinuli ang isang payong-payong driver matapos makuhanan ng hindi lisensiyadong baril at paglabag sa COMELEC gun ban sa checkpoint sa Barangay Elian, Datu Saudi Ampatuan,Maguindanao del Sur
Sa report ng Datu Saudi Ampatuan Municipal Police, pinara ang suspek sa checkpoint habang minamaneho nito ang kanyang payong-payong matapos makita ang nakasukbit na baril nito sa tagiliran.
Napag alaman na isa itong Caliber 45 na may dalawang magazine at siyam na bala.
Dinala na sa Regional Forensic Unit Bar ang nakumpiskang baril para sa ballistic examination, habang dinala naman sa Datu Saudi Ampatuan MPS ang naaresto para sa proper disposition at pagsasampa ng kaso.
Comments