top of page

Payong-payong driver, sugatan sa panibagong insidente ng pamamaril sa Cotabato City

  • Teddy Borja
  • 6 days ago
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Sugatan ang isang payong-payong driver matapos barilin sa Barangay Rosary Heights 11, Cotabato City.


Naganap ang pamamaril kaninang alas 12:40 ng madaling araw sa Andres Alonzo Street.


Kinilala ang biktima na si Esmael Abpi Manampan, may asawa, at residente ng Manara Street, Barangay Rosary Heights 10. Ayon sa imbestigasyon, minamaneho ni Manampan ang kanyang payong-payong nang biglang lumapit ang suspek at binaril ito ng apat (4) na beses.


Agad na dinala ng kanyang mga kaanak ang biktima sa Cotabato Regional and Medical Center, kung saan kasalukuyan siyang nagpapagamot dahil sa tatlong tama ng bala sa kanang bahagi ng kanyang tiyan.


Sa isinagawang crime scene processing ng RFU personnel, narekober ang apat (4) na basyo ng bala na pinaniniwalaang mula sa caliber .45. Isasailalim ito sa ballistic examination para sa karagdagang pagsusuri.


Ayon sa paunang imbestigasyon ng awtoridad posibleng may kaugnayan sa ilegal na droga ang motibo sa krimen.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page