PBBM, hinimok ang 638 bagong opisyal ng AFP na unahin ang bayan, at panatilihin ang katapatan, integridad, at propesyonalismo sa serbisyo
- LERIO BOMPAT
- Dec 2
- 1 min read
iMINDSPH

Sa post ng Presidential Communications Office, binigyang-diin ng Pangulo na ang Sandatahang Lakas ay dapat laging tapat lamang sa Konstitusyon at sa sambayanang Pilipino, lalo na sa gitna ng tumitinding hamon sa West Philippine Sea.
Tiniyak naman ni PBBM ang pagpapatuloy ng AFP modernization program, kabilang ang radar systems, barko, eroplano, at mas matibay na ugnayan sa Japan, US, at Australia, upang mapalakas ang depensa, disaster response, at kakayahang protektahan ang kapayapaan at seguridad ng bansa.



Comments