PBBM, nagpasalamat sa LGUs at nanawagan ng pagkakaisa para sa Bagong Pilipinas
- Diane Hora
- 58 minutes ago
- 1 min read
iMINDSPH

Sa isang pagtitipon na dinaluhan ng mga local government leaders, nagpaabot ng pasasalamat si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga lokal na pamahalaan sa kanilang patuloy na paglilingkod at pakikiisa sa pambansang pamahalaan.
Binigyang-diin ng Pangulo ang mahalagang papel ng LGUs sa mabisang pagpapatupad ng mga programa ng gobyerno at sa pagsusulong ng mabuting pamamahala sa kani-kanilang nasasakupan. Aniya, ang tagumpay ng mga pambansang adhikain ay nakasalalay sa matibay na ugnayan at kooperasyon ng pambansa at lokal na pamahalaan.
Kasabay nito, nanawagan si Pangulong Marcos ng pagkakaisa ng lahat ng sektor sa patuloy na paghubog ng Bagong Pilipinas, at nagpaabot ng pagbati ng isang mapayapa at makabuluhang Pasko para sa mamamayang Pilipino.



Comments