PDEA BARMM at BEZA, lumagda sa MOA upang maglaan ng pasilidad sa loob ng Polloc Freeport and Ecozone para sa PDEA BARMM Seaport Interdiction Unit
- Diane Hora
- Aug 13
- 1 min read
iMINDSPH

Lumagda sa isang Memorandum of Agreement (MOA) ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)–BARMM at Bangsamoro Economic Zone Authority (BEZA) upang maglaan ng pasilidad sa loob ng Polloc Freeport and Ecozone para sa PDEA BARMM Seaport Interdiction Unit.
Sa ilalim ng nilagdaang kasunduan, araw ng Lunes, August 11, 2025, magbibigay ang BEZA ng ligtas na pasilidad para sa K-9 Unit ng PDEA at kanilang mga handler, Office space para sa enforcement, intelligence, at administrative operations at karagdagang lugar para sa iba pang mahalagang operasyon
Layon ng pagtutulungan na ito na palakasin ang maritime interdiction capabilities, tiyakin ang seguridad ng mga BEZA-managed zones, at panatilihing ligtas at walang iligal na droga ang Bangsamoro region.
Ang MOA ay nilagdaan nina Director Gil Cesario Castro at Minister Farserina Mohammad.



Comments