PDEA BARMM, mayroon ng tanggapan sa probinsya ng Maguindanao del Norte na matatagpuan sa bayan ng Parang
- Diane Hora
- May 2
- 1 min read
iMINDSPH

Bukas na sa publiko ang tanggapan ng PDEA BARMM sa probinsya ng Maguindanao del Norte.

Ito ay matatagpuan sa bayan ng Parang.

Araw ng Martes, April 29 nang isagawa ang inagurasyon ng tanggapan na pinangunahan ni PDEA BARMM Regional Director Gil Castro.

Ang pagkakaroon ng provincial office ng ahensiya ay naisakatuparan sa tulong ng lokal na pamahalaan ng Parang sa pamumuno ni Mayor Cahar Ibay.

Sa bagong provincial office, ayon sa PDEA mas mapapahusay pa ang kapasidad ng ahensiya sa pagsasagawa ng anti-drug operations, preventive education, at community outreach programs sa lugar.

Comments