Peace Caravan at Tree Growing Activity, isinagawa ng Basilan Government sa paggunita ng Mindanao Week of Peace
- Diane Hora
- Dec 5
- 1 min read
iMINDSPH

Bilang pakikiisa sa paggunita ng Mindanao Week of Peace, isinagawa ng provincial government ng Basilan ang tree growing activity.
Pinangunahan ito ni Governor Mujiv Hataman kasama ang walong daang kalahok.
Nagtanim ang grupo ng hardwood at fruit-bearing seedlings sa Sampinit Complex, Barangay Mahatallang, Sumisip katuwang ang Nagdilaab Foundation.
Layunin ng aktibidad na palakasin ang watershed, bawasan ang banta ng baha, at magbukas ng dagdag kabuhayan para sa komunidad.
Kasama ng provincial government ang MENRE, AFP, PNP, Philippine Coast Guard at BFP, iba pang line agencies, youth sector, at volunteers.



Comments