iMINDSPH
Ikinasa ng ilang grupo sa lalawigan ng Sulu ang peace caravan at nanawagan sa Supreme Court na irekonsidera ang desisyon na hindi na bahagi ng BARMM region ang probinsya.
Daan-daang indibiwal mula sa iba’t ibang sektor ang lumahok sa ikinasang peace caravan sa lalawigan ng Sulu at nanawagan sa Supreme Court na irekonsidera ang desisyon na hindi na bahagi ng BARMM region ang probinsya.
Umaasa ang mga ito na pakikinggan ng Korte Suprema ang kanilang panawagan.
Matatandaan na naglabas ng desisyon ang Supreme Court hinggil sa petisyon na inihain noon ng Provincial Government kung saan dineklara ng SC na hindi na kabilang ang lalawigan sa Bangsamoro Autonomous Region matapos manalo ang boto na NO sa plebesito noon.
Malaking usapin ngayon ang magiging kapalaran ng mga empleyado ng BARMM na apektado sa desisyon, gayundin ang mga program at proyekto sa lalawigan na mula sa BARMM Government.
Sinabi ng ilang mambabatas ng BTA Parliament na kailangang magkaroon muna ng transition period upang mailatag ng wasto ang mga dapat ayusin.
Kommentare