iMINDSPH

Binaril habang naka duty ang 50-anyos na si Dominic Jumawan Villar, security guard ng RD pawnshop sa Macacua branch, Cotabato City, hapon ng Miyerkules, February 19.
Ang biktima na residente ng Tukananes, Poblacion 7, Cotabato City ay nagtamo ng tama ng bala sa kaliwang binti, tiyan at braso.
Natagpuan ng otoridad sa pinangyarihan ng krimen ang 4 na basyo ng bala.
Narekober ng investigator-on-case sa pinangyarihan ng krimen ang apat na basyo ng bala na pinaniniwalaang mula sa kalibre .45.
Comments