iMINDSPH
Inilatag ng COMELEC BARMM ang mga petsa para sa paghahain ng Certificate of Candidacy, pagsasagawa ng assemblies ng registered o accredited sectoral organizations, political conventions at petsa ng pangangampanya sa isinagawang coordinating conference araw ng Lunes.
Ibinahagi ni Atty. Mohammad Nabil Mutia, ang Regional Attorney ng Bangsmaoro Electoral Office na sa February 15 hanggang April 4, 2025 itinakda ng COMELEC ang pagsasagawa ng assembly sa mga registered o accredited women settler communities and youth sectoral organizations para sa BARMM Parliament.
September 1 hanggang 28 naman ngayong taon itinakda ang pagsasagawa ng political convention.
Para sa Senators at Party-List, itinakda ang simula ng pangangampansa mula February 11 hanggang May 10, 2025.
March 28 naman hanggang May 10, 2025 ang itinakdang petsa ng pangangampanya para sa Members of House of Rep, members of parliament, provincial candidates, city at municipal candidates.
Ang final testing at sealing ng election ay itinakda ng COMELEC sa April 27, 2025
Comments