top of page

PFMAT activity ng Maguindanao del Sur, layong gawing mas epektibo at naaayon sa national standards

  • Diane Hora
  • Nov 12
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Sa layuning paigtingin at isaayos ang kasalukuyang financial system ng pamahalaan ng Maguindanao del Sur upang ito ay ganap na maisaayos ayon sa national standards ng good governance, isinagawa ng provincial government ang Public Financial Management Assessment Tool activity noong Nobyembre 10–11, 2025.


Pinangunahan ng Provincial Budget Office ang dalawang araw na aktibidad, katuwang ang Office of the Provincial Planning and Development Coordinator, Provincial Accountant’s Office, Provincial Treasurer’s Office, at iba pang tanggapan na may kinalaman sa financial management ng lalawigan.


Sa pangunguna ni Governor Datu Ali Midtimbang, AlHadj, binigyang-diin ng pamahalaang panlalawigan ang pangako nito sa transparency, participatory governance, at fiscal accountability, upang matiyak na ang bawat pisong ginagastos ay tunay na napapakinabangan ng mga mamamayan ng Maguindanao del Sur.


Sa loob ng dalawang araw na workshop, nagsagawa ng komprehensibong self-assessment ang mga kalahok gamit ang PFMAT framework, na sumuri sa mga aspekto ng budget preparation, execution, accounting, reporting, internal control, at audit management.


Ang mga resulta ng pagtatasa ay magsisilbing batayan sa pagbuo ng Public Financial Management Improvement Plan para sa 2026 at mga susunod pang taon, na layuning higit pang maisaayos ang pamamahala ng pondo ayon sa national standards at best practices.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page