top of page

Philippine Air Force, nagluluksa sa pagkamatay ng 6 nilang airmen sa isang tragic aircraft crash sa Agusan del Sur sa kasagsagan ng isinasagawang humanitarian assistance at disaster response operation

  • Diane Hora
  • 55 minutes ago
  • 1 min read

IMINDSPH


ree

Nagdadalamhati ang Philippine Air Force (PAF) sa pagpanaw ng kanilang mga bayaning kasapi matapos bumagsak ang isang Super Huey helicopter sa Loreto, Agusan del Sur noong Nobyembre 4, 2025, habang nagsasagawa ng humanitarian assistance at disaster response operations kasunod ng pananalasa ng Tropical Storm Tino.


Kinilala ang mga nasawing airmen na sina Captain Paulie Dumagan, 2nd Lieutenant Royce Louis Camigla, Sergeant Yves Sijub, Sergeant John Christopher Golfo, Airman First Class Ericson Merico, at Airman Ameer Khaidar Apion.


Ipinapaabot ng Philippine Air Force ang kanilang taos-pusong pakikiramay sa mga pamilya, kaibigan, at mahal sa buhay ng mga nasawing airmen. Ayon sa pahayag ng PAF, ang kabayanihan, dedikasyon, at sakripisyo ng mga ito ay mananatiling buhay bilang inspirasyon sa mga susunod na henerasyon ng mga kawal ng himpapawid.


Ayon sa PAF, ang katapangan at walang pag-iimbot na paglilingkod ng nasawing airmen ay patunay ng tunay na diwa ng serbisyo.


Ang kanilang pamana ayon sa PAF ay magsisilbing inspirasyon anila upang ipagpatuloy ng mga susunod na alagad ng himpapawid ang paglilingkod sa bayan nang may tapang, dedikasyon, at dangal”.


Bagaman natapos na ang kanilang huling paglipad, ayon sa PAF ang kanilang kabayanihan ay patuloy na lilipad anila sa puso ng sambayanang Pilipino.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page