top of page

Php 1,367,548.00 halaga ng ilegal na droga, nasamsam ng mga elemento ng DCPO sa 6 na magkahiwalay na anti-illegal drug operation sa syudad kung saan 8 indibidwal ang arestado

  • Teddy Borja
  • 6 days ago
  • 1 min read

iMINDSPH



Sa loob ng 24 oras mula June 10 hanggang June 11, 2025-


Nakumpiska ng Police Station 1-Sta. Ana ang hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng Php 151,640.00.


Nasamsam naman ng Police Station 2-San Pedro ang pinaniniwalaang shabu na may tinatayang halaga na Php 17,000.00.


Sa Police Station 3-Talomo, napasakamay din ang suspected shabu na may tinatayang halaga na Php 108,800.00


Php 1,088,068.00 na halaga ng hinihinalang shabu naman ang nasamsam ng Police Station 10-Calinan habang sa Police Station 12-Marilog, nakumpiska naman ang pinaniniwalaang shabu na may tinatayang halaga na Php 2,040.00


Kinikilala at pinahahalagahan ng DCPO ang suporta ng mga opisyal ng barangay, komunidad, at Local Government Unit sa pakikiisa sa kampanyang kontra ilegal na droga.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page