PhP 1.68M na halaga ng smuggled cigarettes, nasamsam ng mga tauhan ng PNP PRO BAR sa Picong, Lanao del Sur
- Teddy Borja
- Dec 10
- 1 min read
iMINDSPH

Nasamsam ng mga tauhan ng PNP PRO BAR ang 1.6 million pesos na halaga ng smuggled cigarettes sa isinagawang Anti-Criminality Checkpoint sa bayan ng Picong, Lanao del Sur.
Ikinasa ang operasyon ala-1:45 ng umaga, araw ng Martes, December 9, sa Barangay Tual ng bayan.
Bigo umano ang driver na makapagbigay ng dokumento na magpapatunay na legal ang mga karga nitong sigarilyo na nakita sa likod ng sasakyan.
Umabot sa 2,150 reams ng sigarilyo ang karga ng sasakyan.
Agad dinala sa Picong Police Station ang mga nakumpiskang sigarilyo, gayundin ang driver at kasama nito para sa dokumentasyon at pagsasampa ng kaso.



Comments