PHP 17,420,000.00 para sa SRI ng mga permanent, coterminous, at elected officials ng City Government of Cotabato, aprubado na ng Sangguniang Panlungsod
- Diane Hora
- Apr 3
- 1 min read
iMINDSPH

Sa lingguhang sesyon ng Cotabato City Council, inaprubahan ng konseho ang Ordinance No. 5184 na isinulong ni Councilor Hunyn Abu.

Ito ang paglalaan ng pondo na ₱17,420,000.00 mula sa Unappropriated Balance – General Fund CY 2024 para sa Service Recognition Incentive o SRI ng mga permanent, coterminous, at elected officials ng City Government of Cotabato.
Ang pagsusulong ng ordinansa ay alinsunod sa Administrative Order No. 27 at Budget Circular No. 2024-7 ng Department of Budget and Management.
Comments