PHP 941,500.00 na halaga ng smuggled cigarettes nasamsam ng awtoridad sa Maluso, Basilan
- Teddy Borja
- 1 day ago
- 1 min read
iMINDSPH

Nakumpiska ng mga awtoridad ang mahigit 900,000 pesos na halaga ng smuggled cigarette sa Sitio Kapisanan, Barangay Taberlongan
Sa nabanggit na oras at lokasyon, natuklasan ng mga operating personnel ang limampu't isang sari-saring master cases ng mga ipinuslit na sigarilyo na inabandona sa loob ng isang kubo.
Ang mga nakumpiskang smuggled cigarettes ay nasa kustodiya na ng Maluso MPS para sa kaukulang dokumentasyon at dadalhin naman sa BOC, Isabela City, Basilan para sa kaukulang legal na disposisyon.
Comments